Quantcast
Channel: Hiligaynon – Balay Sugidanun
Viewing all articles
Browse latest Browse all 56

Kritikang Rehiyonal ni John E. Barrios: Bagong Aklat ng Kritisismo sa Panitikan, Wika, Kultura & Kasaysayang Filipino

$
0
0

KRITIKANG REHIYONAL ni John E. Barrios mula sa Sentro ng Wikang Filipino (SWF) ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman ang bagong aklat ng kritisismo sa panitikan, wika, kultura at kasaysayang Filipino.

Masaya ako na bahagi ito ng Aklatang Bayan ng SWF. Mahalaga ang librong ito bilang resource sa mga guro at mag-aaral, mga mananaliksik at iskolar, at sa mga mambabasa ng wika, panitikan, kultura, at kasaysayang Filipino. Narito ang aking maiksing blurb:

Nakalugar ang pag-iisip tungkol sa 15 sanaysay dito sa papel ng kaalaman, ang produksyon nito, ang limitasyon at gahum ng mga indibidwal, komunidad, at institusyon na umaakda sa diskurso ng ating pagiging Filipino sa panahon ng prekaridad o mga anomalya ng rehiyonal, nasyonal, internasyonal, global. Isa itong pampanitikang imbestigasyon na kumikilala sa multilingwal at multikultural na katutubo at kolonyal na kasaysayan ng ating arkipelago, saan pagdududa ang artikulasyon sa sintesis at analisis ng kanluraning impluwensya at paglalapat ng mga teorya ng mga naunang iskolar, halimbawa, sa mga tinuturing na “pambansa.” Ang bansa mismo. Lagpas na si Barrios sa binary ng rehiyon/bansa. Hindi rin siya parochial. Narito ang panitikang Bikol, Ilokano, Pampango, Waray, Sebuwano, Tagalog — maliban sa Akeanon, Hiligaynon, at Kinaray-a ng Panay. Walang pag-gloss over sa partikularidad ng vernacular at rehiyon; sa katunayan, gumigiit na “hindi makaliligtas ang bansa sa diskurso ng vernacular.” Sa ganitong pagtatanghal at pagtataya, sinusulong ni Barrios ang diskurso sa/ng lahi, uri, kasarian: isang pagsasali-sanib sa marami pang tinig lagpas sa nama-mapa at napapa-ngalanan.

Kritikang Rehiyonal

Libre itong ma-download. Bisitahin ang Aklatang Bayan. 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 56

Trending Articles