Ni Norman Darap
Si Norman Darap, sangka nurse, gradweyt kang University of San Agustin sa Iloilo City, ang una nga Busalian sa Padya Kinaray-a kang 2011. Isara tana sa opisyal nga representante kang Western Visayas kadyang tuig sa TABOAN, sangka nasyonal nga literary festival kag conference nga isponsor kang komite kang Literary Arts kang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) nga ginhiwat sa Dumaguete City. Ginbasa na dyang papel sa panel session nga may tema “Imagining the Indigene” kang Pebrero 07, 2013.
ISANG PAGBABALIK TANAW sa aking nakaraan ang aking paksa ngayong hapon. At bilang panimula, hayaan ninyo akong bigkasin ang isa sa aking binalaybay sa Kinaray-a, alay sa alaala ng aking katutubong pinagmulan. Ang pamagat nito’y “Tamarora” na pangalan ng maliit na Sityo sa dulong bahagi ng bayan kung saan ako lumaki.
Tamarora
Ang pagtukad sa buklod kun diin natukod
Ang balay kang atün mga handurawan
Mabudlay rün nga takrasün.
Wara rün tuod ang siyagit kang mga mal-am nga nagapügüng
Kanatün nga bayaan ang binulad,
Apang nagkadurura rün man mga pisti nga manok nga sarangan ‘ta lagsün
Pakgün kang puga nga nagapadura kang atün tuyo,
Nagatugro kasadya,
Nagapalid kang kamingaw kang palibot sa udtu-adlaw.
Wara rün ang malapad nga taramnan
Nga masarangan ta matais sa pagdaralagan,
Ang gadamilot nga mabugnaw nga lau nangin mara nga lupa rün lang.
Mga malahawak nga paray nabüslan kang mamurong nga mais,
Ang andang girük makatül sa kada pagsag-id kang akün panit.
Ang sapa nga masulog kun diin kita nagasipal kang sabyahanay,
Rapit rün nga mamarhan,
Indi rün makaisrut ang anang pag-ilig.
Ang atün aragyan nga banglid patukad sa wayang
Nadura ang pagkatais, budlay rün tultulon.
Nagsiük, nagdamül ang mga bariri nga masabad
Nagaduruküt sa akün panapton.
Dugangan pa kang mga lamok
Nagapahabal kang kagat sa akün mga bütkün,
Gaagrüng andang pagbüyüng sa akün mga dulungggan.
Kun daad, d’yang mga bariri kag lamok lang ang nagkaradura
Matawhay pa guru akün paranawün.
Sa pag-abot ko sa buklod,
Ang kahapo nabuslan kang kasubo
Ang yab-ukon nga wayang kun diin kita gahinampang
Natubuan rün kang mga mamurong nga hilamon,
Natumpukan kang mga laya nga dahon.
Sa pagriligad kang mga tinuig
Ang balay natün sa buklod nangin kamalig.
Kun kauna ang salüg kang balay
Nagatay-üg sa atün nga pagralagsanay
Tulad, ang sülüd rün lang kang balay
Mga sinako nga bügas halin sa patubas,
Tinabungos nga mais halin sa pagpanggas
Kag mga madamül nga lawa halin sa atün nga pagbaya.
Bilang isang Tubunganon na nagsisimula pa lamang umukit ng sining gamit ang bolpen at papel, nagsisimula rin akong sumulat sa wikang alam na alam ko, ang lenggwaheng kinalakhan ko, ang katutubong lenggwahe ng aking Iloy- ang Kinaray-a.
Ang katatapos ko lang basahin na tula ay sumasalamin sa aking karanasan bilang isang batang lumaki sa kabundukan ng Panay. Nakapaloob sa binalaybay ang muling bagbabalik sa iniwang pook, makaraan ang ilang taong pag-aaral at pakikipagsapalaran sa kapatagan. Muli akong naglakbay sa mga alaala ng bawat sulok ng pook na aking kinalakhan, kasama na rito ang mga karanasang kasama ko ang aking mga kababaryo. Tulad ng mga Aytang piniling iwan ang buhay sa bundok at subukang mamalimos sa magulong lungsod, sampo ng aking mga kababata at kalaro, pinili ko ring bumaba sa kapatagan at hanapin ang kapalaran upang maging maginhawa ang buhay. Ngunit kahit anong pagsusumikap ang gawin ko, hindi ko maramdamang buo ang aking pagkatao kung hindi ko matanaw ang payaw. Parang nalulusaw ang kalahating bahagi ng aking kalag sa mga pagkakataong sobsob ako sa trabaho at pag-aaral at ‘di ko malanghap ang simoy ng kabundukan sa iraya.
Mula sa lungsod ng Iloilo, kailangan kong sumakay ng jeep at babaybayin ang apat na pu’t walong kilometro upang makarating sa banwa ng Tubungan, at mula sa bayan, sasakay ako ng habal-habal, babayahe ng mahigit pitong kilometro habang nilalasap ang magagandang tanawin at tinitiis ang daang paakyat na lubak-lubak at sobrang maalikabok na rough rode patungong Baryo Cadabdab. At mula sa baryo kailangan kong maglakad ng mahigit isang oras. Dadaan sa gilid ng bangin, sapa at palayan upang marating ang bundok kung nasaan ang liblib na Sityo Tamarora. At sa kabilang bahagi ng kabundukan ay isang bayan na bahagi na ng Antique.
Masasabi kong isa akong katutubo, akap-akap at dala-dala ko ang taguangkan ng uma sa aking pagkatao. Ang dugong nananalaytay sa aking katawan ay kawangis ng malakas na agos ng tubig mula sa kabundukan. May tatag, may dagundong ang aking dungan.
Ang aking pangungulila, pagkahidlaw sa uma ang siyang paulit-ulit na nagbibigay gahum sa akin upang sumulat sa Kinaray-a. Lahat ng mga binalaybay at sugidanung naisulat ko ay salamin ng payak ngunit makulay at makabuluhang pamumuhay ko sa bundok. ‘Ni simpling pag-igib ng tubig, pagsiga, mga gawaing uma, ambahanon, galaw at mukha ng kalikasan ay napakaganda pa lang inspirasyon sa paggawa ng mga tula. Para kasing umaagos lang ang mga salita sa aking diwa kapag ako’y nagsusulat sa katutubong lenggwahe. Mga bagay na akin napagtanto nang ako’y nakapiit na sa lungsod. Alam kong hindi ako nag-iisa, maraming mga batang manunulat sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa ang nakaranas ng mga naranasan ko. Nagsusulat upang muli’t muling mayakap ang dating buhay bilang isang katutubo.
Pinagsisikapang sumulat sa katutubong wika kahit na, kakaunti lang ang nagbabasa at nagbibigay pansin sa ganitong mga gawa. Kahit na parang panglilimos na ito ng pag-unawa na muling maging malakas at pahalagahan ang kultura sa pagsusulat. Kailangan magsulat upang kahit sa ganitong pamamaraan ay may maiambag sa pinagkakautangan ng ating buhay sa pinagmulan. Ngunit sadyang hindi madali ang pag-ibayuhin ang mga nilalayon. Maraming balakid ang minsay nahaharap.
Isa sa mga suliraning napagdaanan ko sa pagsusulat gamit ang aking katutubong wika, ay kung hindi man kawalan, e kakulangan ng mga materyal na maaari kong basahin bilang source at mapagbasehan kung tama ba ang pagkakagamit at pagkakasulat ko ng mga katutubong salita sa paggawa ng sugidanun at binalaybay. Kakaunti lang kasi ang mga librong naisulat at nai-publish sa wikang kinaray-a. Karamihan pa ng mga librong naisulat sa Kinaray-a ay produkto ng Antique. May kakaunting pagkakaiba kasi ang Kinaray-a ng Antique kung ihahambing sa Kinaray-a ng malalayong bayan sa Iloilo. May mga salitang naiiba. Ang tono rin ng pagkakabigkas ng Kinaray-a ay nag-iiba rin depende kung saang banwa ka sa Iloilo nananahanan. Kapag mas malayong banwa, mas malalim at mas matigas din ang pagkakabigkas nila ng mga salita. Kaya sa tuwing nagsusulat ako, ang sariling boses ng Kinaray-a ng aking banwa ang aking pinakikinggan. Inaalala ko lang kung paano ang pakikipag-usap ng mga tao sa aming baryo.
‘Di madaling maitaguyod ang pagsusulat sa katutubong wika, lalo na’t hindi ganoon ka sapat ang tulong na naaambag ng mga sektor sa sentrong lungsod ng Panay. Sa mahabang kasaysayan ng Kanlurang Kabisayaan, malakas na nangingibabaw ang wikang Hiligaynon, wikang bunga lamang ng pananakop ng mga banyaga. Angat na angat ang dami ng mga nailathala babasahin sa wikang Hiligaynon sa rehiyon, tulad ng mga dyaryo, magasin at libro. Kahit na pinakamalaking bahagi ng populasyon ng probinsya ay Kinaray-a speaker. “Buki, buki timo”, ‘yang ang impresyon ng mga tao kapag nasa lungsod ka at nagsasalita ka sa Kinaray-a, kahit gaano pa kaayos ang ‘yong pananamit, titingnan ka na parang may paninimbang. May dalang hiya at pagkutya, na ika’y taga-uma. “Taga-uma kabay takün.” Kung hindi ko nakilala ang mga manunulat sa rehiyon na nakakaunawa, nagsusulat din sa katutubong wika at tumatanggap ng mga sugidanun sa Kinaray-a upang maiambag sa mga inilalathalang libro marahil matagal ko nang ibinabaun sa baul ang mga binalaybay at sugidanun na nasusulat ko sa bawat buwan.
Gaya nga ng sabi ng kapwa manunulat ko sa Kinaray-a, kung maraming side comments ang mga Hiligaynon writers na hindi ganun kalakas ang suportang nakukuha nila mula sa mga organisasyon at sektor kung ihahambing sa wikang laganap sa sentro ng kamaynilaan. E, kmusta naman kaming mga Kinaray-a writers na hindi maka-ek, dahil sa sentro ng rehiyon Hiligaynon ang nangingibabaw. Kumbaga nasa pinakadulong bahagi na kami ng pila, sa mga grupong nagsusumikap at nakikipagsiksikan upang ‘di man manguna e, mabigyan din ng puwang ang aming mga tinig. Isang daguk na nga ang maging manunulat, e dobleng dagok pa kapag manunulat ka sa katutubong wika sa rehiyon.
Marahil ito rin ang karaniwang suliranin ng mga manunulat sa mga katutubong wika sa ibang panig ng bansa. Kawalan ng matatag na suporta, kawalan ng tamang pansin sa pagpapaunlad ng katutubong yaman.
Hay! Ang dami ko nang nasabi, marahil nais ko lamang ipabatid na, sana magkaroon ng pantay na pagtingin ang lahat sa mga wikang katutubo, bigyang halaga tulad ng pagpapahalaga sa wikang nasa sentro ng bansa, Naway hindi maisantabi ang mga katutubong wika, gaanu man kaliit ang nagsasalita gamit ito.
Maraku nga salamat!
Mabuhay ang mga manunulat!
Filed under: DAGYAW-MANUNULAT, FILIPINO Tagged: Antique, Hiligaynon, Iloilo, KINARAY-A, Norman Darap, Panay, Taboan 2013
